Accountant nadakma sa buy bust

BULACAN – Bumagsak sa kamay ng mga tauhan ng pulisya ang isang 42-anyos na company accountant makaraang makumpiskahan ng limang gramo ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa bahaging sakop ng Barangay Guinhawa, Malolos City, Bulacan kamakalawa ng gabi. Kasalukuyang naghihimas ng rehas na bakal at walang piyansang inirekomenda ang piskalya laban sa suspek na si Luisito M. Uy ng Barangay Calumpang, Calumpit, Bulacan.

Ayon sa pulisya, bandang alas-10 ng gabi nang iabot ng suspek ang shabu sa poseur-buyer na pulis habang sakay ng kanyang Isuzu Crosswind na may plakang XCE-483. Hindi naman nanlaban ang suspek matapos na madakma ng pulisya. (Ulat ni Efren Alcantara)

Show comments