Mayor inatake sa puso, patay

BULACAN — Sa hindi inaasahang pagkakataon maagang kinalawit ni kamatayan si Paombong Mayor Dominador Gonzales makaraang atakihin sa puso habang isinagawa ang pagtataas ng bandila sa harapan ng munisipyo noong Lunes ng umaga. Naisugod pa sa Sacred Heart Hospital sa Malolos City si Mayor Gonzales, subalit makalipas ang sampung oras na comatose ay binawian ito ng buhay. Si Mayor Gonzales, 67, ay nasa ikatlo at huling termino sa panunungkulan. Naulila ni Gonzales ang asawang si Lilian at apat na anak na lalaki’t babae. (Ulat ni Efren Alcantara)

Show comments