Mag-uutol na paslit tinusok

QUEZON — Pinaniniwalaang napagtripang pagsasaksakin ang mag-uutol na paslit ng kanilang kapitbahay na pinaniniwalaang lango sa droga habang ang mga biktima ay natutulog sa kanilang bahay na ikinasawi ng isa at ikinasugat ng malubha ng dalawa pa sa Sitio Pulang Lupa, Barangay Bagong Bayan, Mauban, Quezon kamakalawa ng madaling-araw.

Nakilala ng pulisya ang nasawing si Warren Valenzuela, samantalang ginagamot naman sa Quezon Memorial Hospital sina Jovilyn at Mac-Mac Valenzuela. Tinutugis naman ang suspek na si Walter Domingo na positibong kinilala ng mag-utol na sugatan. (Ulat ni Tony Sandoval)

Show comments