2 Tsino tiklo sa P1.2-M epektos

LAGUNA — Dalawang Tsino ang iniulat na dinakip ng mga tauhan ng pulisya sa isinagawang operasyon sa pinagtataguan ng hinaydyak na kargamento sa Don Onofre Subd. Banay-banay, Cabuyao, Laguna kamakalawa. Naghihimas ng rehas na bakal ang mga suspek na sina Chen Shao Qun, 31, Sta. Cruz, Manila at Kim Lim, 38, ng Biñan, Laguna.

Sa ulat, ang cargo truck na may plakang PHN-454 ay pag-aari ni Teddy Cristobal at hinaydyak ng mga hindi kilalang kalalakihan noong nakalipas na linggo habang patungo sa Laguna. Ang pagkakadakip sa dalawang suspek ay bunsod ng impormasyong ibinigay ng ilang residente. (Ulat ni Ed Amoroso)

Show comments