Misis dedo sa road mishap

CAVITE — Lasog ang katawan ng isang 54-anyos na misis makaraang tumilapon sa sinakyang motorsiklo bago nasagasaan sa Barangay Tanzang Luma 2, Imus, Cavite kahapon ng madaling-araw. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Virgie Miranda ng Phase 2, Citta Italia, Barangay Mambog 3, Bacoor, Cavite.

Nadakip naman ang drayber ng pampasaherong dyip na si Felixberto Ramos, 51, ng Block 42, Lot 23, Barangay San Miguel I, Dasmariñas, Cavite. Ayon kay PO2 Noriel de Jesus, kaangkas ang biktima sa motorsiklo ni Mark Agium nang banggain sa likurang bahagi ng dyip ni Ramos kaya tumilapon ang babae at nasagasaan pa. (Ulat ni Cristina Timbang)

Show comments