Empleyada dedo sa kuryente

CAVITE — Isang 21-anyos na empleyada ng kumpanyang Burger Machine ang iniulat na nasawi makaraang makuryente sa loob ng tindahan sa Barangay Habay, Bacoor, Cavite kahapon ng umaga. Idineklarang patay sa Crisostomo Hospital ang biktimang si Marilyn Salconet ng Block 3 Lot 17 Rich Field Subdivision, Barangay Mambog. Sa imbestigasyon ni PO2 Clarence Erese, naitala ang insidente dakong alas-10:30 ng umaga matapos na pumasok ang biktima at mapahawak sa may bakal na bahagi sa pinapasukang tindahan ng nasabing kompanya. (Ulat ni Cristina Timbang)

Show comments