Tinedyer dinedo ng karibal

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang 17-anyos na tinedyer ng karibal sa pag-ibig habang ang biktima ay papalabas ng eskuwelahan sa Centro Poblacion, Pio Duran, Albay kamakalawa ng hapon. Napuruhan ang biktimang si Eric Patiam, 4th year high school at residente ng Sitio Lagaan, Barangay Banawan ng nasabing bayan, habang tinutugis naman ang suspek na itinago sa pangalang Felix dahil sa menor-de-edad. Sa ulat ni P/Senior Inspector Ronald Briones, hepe ng Pio Duran PNP Station, bandang ala-1:30 ng hapon nang abangan ng suspek ang biktima na papalabas ng paaralan saka isinagawa ang krimen. Ayon pa sa pulisya, posibleng ang pagiging malapit ng biktima sa dalagang nililigawan ng dalawa kaya nagselos ang suspek hanggang sa maganap ang krimen. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments