Kinilala ni P/Supt. Mario Lico, hepe ng San Mateo Police ang biktimang si Sofia Amancec, 54 anyos, nagtamo ng dalawang tama ng saksak ng icepick sa kili-kili habang agad namang naaresto ang asawa nito na kinilalang si Ernesto Amansec, 62-anyos , isang ex-convict at miyembro ng Commando Gang; pawang residente ng Diaz Compound, Ampid II ng nabanggit na bayan.
Sa imbestigasyon, ang insidente ay naganap dakong ala-1:20 ng hapon sa loob ng tahanan ng mag-asawa
Naglambing umano ang suspek sa biktima na niyaya nitong magtalik subalit ng tumanggi itong pasiping ay nagalit si mister at pinagsasaksak ang sarili niyang misis.
Napag-alaman pa na anim na buwan pa lamang nakakalaya ang suspek at ngayoy posibleng muling bumalik sa kulungan dahilan sa pananaksak sa kanyang asawa. (Ulat ni Edwin Balasa)