Nakilala ang biktima na si Rodel Bartolay, 29 anyos, residente ng Brgy. Anibong ng nasabing munisipalidad. Ang biktima ay tadtad ng mga tama ng saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan na siya nitong dagliang ikinasawi.
Sa report, dakong alas-11 ng gabi nang bigla na lamang sumulpot ang mga rebelde sa bisinidad ng Hacienda Espinosa sa Brgy. Jagnaan, San Jacinto, Masbate at ditoy pinagbabaril ang biktima.
Bago tuluyang nagsitakas ay pinagsasaksak pa ng mga rebelde ang biktima upang makasiguro ang kamatayan ng kanilang target.
Pinaniniwalaang ang pamamaslang sa biktima ay may kinalaman sa pagiging asset nito ng militar kung saan nagresulta ito sa pagkapilay ng kilusan ng mga rebelde sa nasabing lalawigan. (Joy Cantos)