Kuya dinedo ng baliw na utol

BINANGONAN, Rizal — Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang 47-anyos na lalaki ng kanyang nabaliw na nakababatang utol habang ang biktima ay nag-aalmusal sa sariling bahay sa Barangay Tayuman ng bayang ito kahapon ng umaga. Hindi na naisugod pa sa ospital ang biktimang si Flaridel De Guzman II matapos na mapuruhan ng suspek na si Flaridel De Guzman III, 45, kapwa residente ng Dela Cuesta Compound ng nabanggit na barangay.

Napag-alamang kalalabas pa lamang sa mental hospital ng suspek at dakong alas-7 ng umaga nang sugurin nito ang utol habang nag-aalmusal. Inakala ng suspek na demonyo ang kanyang utol kaya inundayan ng sunud-sunod na saksak sa katawan. (Ulat ni Edwin Balasa)

Show comments