3 brgy. kapitan pinaslang

LA UNION — Naalarma ang mga kagawad ng pulisya matapos ang sunud-sunod na pagpaslang sa tatlong barangay chairmen sa magkakahiwalay na lugar kamakalawa.

Sa ulat ni P/Chief Supt. Claudio Cabreros, director ng Ilocos Region, kinilala ang tatlong biktima na sina: Jessie Ibañez ng Barangay Bacquit, Bacnotan, La Union; Enrico Pablico ng Barangay Baleleng Bantay; at Rolando Rin ng Barangay Nanerman, Sto. Domingo na pawang nasa Ilocos Sur. (Ulat ni Myds Supnad)

Show comments