2-katao dedo sa sakuna

CAVITE — Dalawang sibilyan ang iniulat na nasawi sa naganap na magkahiwalay na sakuna sa Imus at Bacoor, Cavite kamakalawa. Si Salem Miranda ng Barangay Bucandala 5, Imus ay nahagip ng van (UFL-781) habang nagmomotorsiklo bandang alas-3:30 ng madaling-araw sa Barangay Patindig Araw at idineklarang patay sa Our Lady of Pilar Hospital. Nakapiit naman ang drayber na si Hadji Javinal ng Barangay Medicion.

Samantalang ang biktimang si Rowel Quijano ng Camella Central, Molino 4, Bacoor, Cavite ay nahagip ng trailer truck ng Meralco (ULV-496) na minamaneho ni Jorge Perdido ng Barangay Garita A, Maragondon at hindi na umabot ng buhay sa Molino Doctor’s Hospital. (Ulat ni Cristina Timbang)

Show comments