Trike vs bus: Bata dedo, 3 grabe

CAVITE — Maagang kinalawit ni kamatayan ang isang anim-na-taong gulang na batang lalaki , samantalang tatlo naman ang malubhang nasugatan makaraang salpukin ng pampasaherong mini-bus ang likurang bahagi ng traysikel na sinasakyan ng mga biktima sa kahabaan ng Soriano Highway na sakop ng Barangay Daang Amaya I, Tanza, Cavite kamakalawa ng umaga.

Nakilala ang nasawing biktimang si Jomar Sabala, habang ginagamot naman sina: Demetrio Fetalvo; Teresita Fetalvo; at Romnick Prim na pawang residente ng Barangay Sta. Clara, General Trias, Cavite. Nakapiit naman ang drayber ng bus (DVH-882) na si Restituto Presa ng Barangay Biwas. (Ulat ni Cristina Timbang)

Show comments