Ito ang nakalap na impormasyon mula sa dalawang mapagkakatiwalaang impormante, batay na rin sa hawak na papel na may mga pangalang ng operator kabilang na ang isang barangay captain sa bayan ng Dagupan.
Sa apatnaput anim na bayan at dalawang lungsod sa Pangasinan, kabilang sa binanggit ng impormante na pinagpupugaran ng mga makina ng video karera at malapit sa mga eskuwelahan ay ang bayan ng Urdaneta, Sta. Barbara, Manaoag, Bayambang, Villasis at Dagupan City.
Binanggit ng impormante ang pangalan ng mga operator ng video karera na sina: Jing Locquiao; Melvin Gayton; Sonny Gayton; Noel Melencio; Rudy Gutierrez; Boy Pader; Rogelio Remoblas; Judith Rafanan; Linda Gomez; Dindo Barrozo; Sergio Barabas at Eric Benito.
Kinilala ng impormante ang dalawang kagawad ng pulisya na pinaniniwalaang nagsisilbing protector ng mga makina ng video karera na sina: SPO2 Jesus "Jess" Padua at PO3 James Sumalnat. Malaki naman ang paniniwala ng impormante na may basbas ng mga tiwaling opisyal ng lokal na pamahalaan ng Pangasinan ang pamamalagi ng mga makina ng video karera sa naturang bayan. (Ulat ni Mario D. Basco)