Ayon kay Jose Amansec, DOLE provincial director, bunga ng reklamo ng mga residente ay isinagawa ang operasyon laban sa mga videoke bar kaya nagresulta sa pagkakabawi ng mga dalagitang nagsisilbing guest relation officers (GRO) sa mga nasabing establisamento.
Sa pahayag ni Atty. Florencio Binalay, provincial director ng NBI, ang mga biktima na kanilang nabawi mula sa mga beer houses ay tinatayang may edad na 12 hanggang 17 at tubong Pangasinan, Cavite at Cebu.
Aabot sana sa 25 menor-de-edad ang maaari mabawi ng mga awtoridad kung hindi naantala ang isinagawang operasyon dahil sa kawalan ng representasyon mula sa Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO).
Ang pagka-delay ng isang araw ay maaaring naitago ng mga may-ari ng establisamento ang ilan pang biktima, kung kayat nakapaghanda ang mga ito bago isagawa ang operasyon.
Matapos makuha ang mga pahayag ng mga biktimang kabataan ay pansamantala silang ipinagkatiwala sa Department of Social Welfare Office habang inihahanda naman ang kaukulang kaso laban sa may-ari ng mga establisamento bilang paglabag sa RA 7610. (Ulat ni Victor P. Martin)