Ang biktimang si Catalina Colaste, 44, ay nasagip ilang oras matapos na ito ay dukutin. Nakilala naman ang mga nadakip na suspek na sina Privates First Class Eripe Plana ng Armys 58th Infantry Battalion at Alexander Lufrangco ng Armys 30th Infantry Battalion; Jun Torralba, Emilio Sinag at Julito Andel.
Batay sa ulat, ang biktima ay kinidnap ng mga suspek habang naglalakd sa kahabaan ng commercial area ng Burgos St. dakong alas-12:45 ng tanghali kahapon.
Mabilis namang tumawag sa police hotline ang ilang mga concerned citizen at inireport ang pagdukot sa biktima.
Ang mga kidnaper ay nasakote matapos ang ilang minutong habulan na nagresulta sa ligtas na pagkakabawi sa biktima. (Ulat ni Joy Cantos)