TABA cop binulutong sa training

CAMP CRAME – Pinangangambahang kumalat ang epidemya ng bulutong at iba pang sakit sa balat sa ‘training site’ ng PNP para sa mga tinaguriang TABA (Tamad, Bastos, Abusado at Ayaw Padisiplina) na mga pulis na isinasailalim sa muling pagsasanay sa Subic, Zambales. Ito’y matapos na dapuan ng bulutong at isailalim sa medical checkup si PO1 Archie Gaerlan. Si Gaerlan ay kabilang sa 36 1st batch ng TABA pulis na isinailalim sa pagsasanay sa alinsunod sa kampanya ni PNP Chief P/Director Gen. Edgar Aglipay. Sinabi ni Dra. Maria Rita del Valle, PNP medical practitioner, kasalukuyan na nilang inaalam ang posibleng lawak ng virus sa nasabing training site. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments