Jailbreak: 4 nakapuga

NUEVA VIZCAYA — Apat na presong may nakabinbing mga kasong murder ang nakapuga mula sa himpilan ng pulisya ng Pamplona, Cagayan makaraang makatulog ang mga guwardiyang pulis noong Huwebes ng gabi, Setyembre 9, 2004.

Kabilang sa pumuga at pinaghahanap pa rin ng pulisya ay nakilalang sina: Jimboy Parec ng Barangay Curva; Efren David ng Barangay Burayok, Pagudpad, Ilocos; Virgilio Batucan ng Barangay Sta. Cruz, Pamplona, Cagayan at Carlo Domingo ng Barangay Kapisayan.

Base sa naantalang ulat ng pulisya, naitala ang insidente dakong alas-10:30 ng gabi matapos na makatulog si SPO1 Cresencio Gumara na minasahe ng isa sa preso sa labas ng selda

Napag-alaman sa ulat na sinamantala ng apat na preso na pumuga matapos na mamataang nakatulog ang guwardiya.

Posible naman masibak sa puwesto ang mga guwardiyang sina: SPO1 Cresencio Gumara , SPO3 Domingo Estogue, SPO1 Dominador Caranguian Jr. at PO3 Johnny Torida. (Ulat ni Victor Martin)

Show comments