Tatlong tama ng bala ng baril sa katawan ang tumapos sa buhay ni ex- M/Sgt. Ferdinand Cabuen na ngayon ay nagtuturo sa eskuwelahan sa nabanggit na bayan. Nilapitan pa ng isa sa rebelde ang duguang nakabulagtang biktima saka muling pinaputukan upang makasiguro na walang mintis.
May teorya ang pulisya na paghihiganti ang pangunahing motibo ng krimen na may kaugnayan sa dating trabaho ng biktima. (Ulat ni Joy Cantos)