Base sa ulat ng militar, tinambangan ng mga armadong grupo ng lumad anti-communist ang mga rebeldeng NPA na pinamumunuan ni Loansia Pitas, alyas Daraga sa nabanggit na lugar.
Anim sa mga rebeldeng mula sa Pulang Bagani Command 1 ng Southern Mindanao Regional Committee, ay agad na nasawi matapos ang limang oras na madugong bakbakan malapit sa Sitio Lanipao, Barangay Digongan, Kitaotao, Bukidnon.
Hindi naman agad nakilala ang mga nasawing rebelde maging ang isang kasapi ng lumad anti-communist group.
Ang pag-aalsa ng grupong lumad ay nag-ugat matapos na mairita sa ginagawang pangingikil ng mga rebelde sa kanilang grupo mula sa Barangay Maputi, San Fernando, Bukidnon at Pacquibato District sa Davao City.
Sinabi naman ni Major General Samuel Bagasin, commanding general ng 4th ID, na ang mga rebeldeng NPA na namumugad malapit sa hangganan ng Bukidnon at Pacquibato District ay namimeligrong malipol dahil umalma na ang grupong lumad na nairita sa koleksyon ng revolutionary taxes mula sa mga maralitang pamilya na karamihan ay grupong lumad na naninirahan sa mga nabanggit na barangay. (Ulat ni Ben Serrano)