2 CAFGU dinukot ng NPA

ALBAY – Dalawang kagawad ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) ang iniulat na dinukot ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa magkahiwalay na barangay na sakop ng Camalig, Albay kahapon. Kabilang sa dinukot ay nakilalang sina: Allan Madara ng Barangay Mina at Henry Nabor ng Barangay Tagoytoy na kapwa nasa ilalim ng 22nd Infantry Battalion ng Phil. Army. Ayon sa ulat, si Madara na nakatalaga sa Quituina Military Detachment ay kinidnap habang bumibili ng sigarilyo, samantalang si Nabor na naka-assign sa Taladong Military Detachment ay kinaladkad palabas ng kanyang bahay habang nagpapahinga. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments