4 lider ng NPA nasakote

CAMP AGUINALDO – Apat na lider ng rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Central Luzon ang iniulat na nalambat ng mga operatiba ng Phil. Air Force (PAF) sa isinagawang serye ng operasyon sa Nueva Ecija noong nakalipas na linggo. Kasalukuyang sumasailalim sa tactical interrogation ang mga rebeldeng sina: Marivic Lagasca, kalihim ng Kilusang Larangan Guerilla Front-3; Narciso de Guzman, platoon lider ng Partisan Unit ng EXECOM Committee; Rizaldy Pascua, commanding officer ng 3rd Platoon Provincial Organizational Committee at Ana Pascua ng Political Guide/staff ng Nueva Ecija Provincial Party Committee. Base sa ulat, ang apat na rebelde ay dinakip sa magkakahiwalay na bahagi ng Nueva Ecija makaraang mamonitor ang mga kilos ng mga rebelde. (Ulat ni Joy Canto

Show comments