Estudyante nirape-slay ng adik

CAVITE – May posibilidad na hinalay muna bago pinatay sa saksak ang isang 13-anyos na high school student ng adik na lalaki bago itinapon sa loob ng Bulihan Public Cemetery na sakop ng Silang, Cavite, may ilang araw na ang nakalilipas. Ang bangkay ng biktima na halos naaagnas na ay nakilalang si April Temporosa ng Phase 1-B Block 30 Lot 9, Barangay Acasia, Bulihan ng bayang ito. Base sa ulat ng pulisya, bandang alas-8:30 ng umaga nang matagpuan ng caretaker ng sementeryo na si Lino Micosa, ang bangkay ng biktima. Ayon sa pamilya ng dalagita, na ilang araw nang hindi umuuwi ang biktima mula sa pinasukang eskuwelahan. May palagay ang pulisya na napagtripan ng adik sa droga ang biktima habang naglalakad mag-isa. (Ulat ni Cristina Timbang)

Show comments