CAFGU itinumba sa lamayan

CAMP SIMEON OLA - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang kagawad ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) ng dalawang rebeldeng New People’s Army (NPA) habang ang biktima ay nakatulog sa pakikipaglamay sa burol ng isa sa kanyang kaibigan sa Barangay Bagoladio, Bula, Camarines Sur kahapon ng umaga. Bandang alas-6:30 ng umaga nang lapitan ng dalawang rebelde ang biktimang nakahiga sa bakanteng upuan at inupakan ng sunud-sunod na putok ng baril. Nagpulasan naman ang ilang tao sa lamayan habang palakad na lumayo ang mga rebelde sa kinaganapan ng krimen na animo’y walang nangyari. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments