Inspector tiklo sa buy-bust

BATANGAS – Hindi nakaligtas sa kamay ng mga kagawad ng pulisya ang isang 47-anyos na empleyado ng Lipa City Hall sa isinagawang buy-bust operation sa Villa De Lipa Subd., Barangay Maraouy, Lipa, Batangas noong Miyerkules ng hapon, Hulyo 21, 2004. Sinampahan na ng kaukulang kaso ang suspek na si Felix Mistas, Sanitation Inspector II ng Lipa City Health Office. Ayon sa ulat, ang suspek ay naaktuhang nagbebenta ng shabu sa isang kagawad ng pulisya na poseur-buyer bandang alas-2:15 ng hapon. Nakumpiska sa suspek ang P500 marked money na ginamit sa buy-bust. Sinabi ni Chief Insp. Dante Novico, hepe ng Anti-illegal Drug Operation Task Force, minomonitor ng kanyang mga tauhan ang ilang empleyado ng city hall dahil sa impormasyon nakalap na sangkot sa pagtutulak ng droga. (Ulat ni Arnell Ozaeta)

Show comments