Anak ipinakidnap ng ina

CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite – Naisalba ng mga awtoridad sa mga kidnaper ang isang 13-anyos na batang lalaki makaraang ipakidnap ng sariling ina ang biktima kamakalawa ng gabi sa Barangay Mahabang Kahoy, Palagbag, Indang, Cavite. Nakilala ang biktima na si Steven Sauler ng Brgy. Talaba, Bacoor, Cavite.

Naghihimas naman ng rehas na bakal ang mga suspek na sina: Emily Austria, Jose Pagenia, Banong Austria, Alfonso Austria at Albert James Austria. Base sa ulat ng pulisya, ang biktima ay dinukot ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan noong Hulyo 12, 2004. Agad naman nakipag-ugnayan ang lolo ng biktima sa mga awtoridad kaya nasagip ang bata at ikinadakip naman ng mga suspek. (Ulat ni Cristina Timbang)

Show comments