Ginang hinoldap,pinaslang

Taytay, Rizal – Isang 27 anyos na ginang na pinaniniwalaang biktima ng holdap ang pinatay sa saksak at pagkatapos ay itinapon sa ilalim ng tulay sa Brgy. San Juan ng bayang ito kahapon ng umaga.

Ang biktima na nagtamo ng mga saksak sa dibdib ay nakilalang si Arlene de Vera, hiwalay sa asawa at residente ng Sikat Damayan, Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City.

Sa ulat, natagpuan ang bangkay ng biktima dakong alas-6:15 ng umaga sa ilalim ng tulay sa Sitio Tapayan ng Brgy. San Juan ng bayang ito matapos itong ireport sa mga awtoridad ng isang residente sa lugar.

Lumalabas sa imbestigasyon na mahigit isang oras pa lamang namamatay ang biktima dahilan sariwa pa ang sugat sa dibdib nito.

Naghihinala naman ang pulisya na posibleng biktima ng holdap ang nasabing ginang na itinapon sa tulay para iligaw ang imbestigasyon sa kaso. (Ulat ni Edwin Balasa)

Show comments