Obrero kinatay dahil sa selos

NUEVA ECIJA – Pinaniniwalaang matinding pagseselos kaya pinagtataga hanggang sa mapatay ang isang 54-anyos na obrero ng kanyang kabaro kamakalawa ng gabi sa Sitio Diwalaan, Barangay Rio Chico, General Tinio, Nueva Ecija. Animo’y kinatay na hayop ang katawan ni Eduardo P. Prena ng Sitio Bicalbical ng nabanggit na barangay, samantalang tinutugis naman ang suspek na si Cenon Pastor ng Sitio Conveno, Brgy. Rio Chico.

Napag-alaman sa pagsisiyasat ng pulisya, na tumindi ang galit ng suspek dahil sa kalimitang pinapaboran ng kanilang amo ang biktima kaya naganap ang krimen. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments