Kabilang sa nasawing biktima ay nakilalang sina: SPO2 Reynaldo Santos ng Provincial Mobile Group; SPO4 Leandro Causaren ng Western Police District (WPD); Domingo Pawalan; Jhon Edralin Hamon at Rene Amparo.
Napag-alamang sina SPO4 Causaren, Hamon at Amparo ay pawang mga tauhan ni Amadeo Mayor Albert "OJ" Ambagan na nakipagbarilan sa mga awtoridad.
Sa inisyal na imbestigasyon, pinilit umanong dis-armahan ni Santos ang ilang kalalakihan na pinaniniwalaang mga bodyguard o civilian security ni Mayor Ambagan na nakita niyang armado habang lulan ng isang van.
Dahil sa pagmamatigas ni Santos na madis-armahan ang mga kalalakihan dahil sa hindi naman sila awtorisadong magdala ng baril ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo kaya tumawag si Santos ng responde sa kanilang tanggapan habang ang mga sinita naman ay tumawag kay Mayor Ambagan na agad namang dumating sa area.
Naging mainitan umano ang paghaharap nang komprontahin ni Ambagan si Santos na naging mitsa para magkabarilan ang magkabilang panig.
Kasalukuyang isinasalang sa imbestigasyon ang dalawang kampo at isasailalim din sa paraffin test ang mga sangkot na mga pulis at maging ang mga tauhan ng Mayor.
Ayon sa ilang police source, kabilang din sa dapat imbestigahan ang nasabing alkalde sanhi ng hinihinalang banggaan sa pulitika ang pangunahing motibo ng shootout dahil si Santos ay pinsan ng mahigpit na karibal sa pulitika ng alkalde. (Ulat nina Joy Cantos,Cristina Go-Timbang at Ed Amoroso)