Nahiya sa asawa nagbigti
CAVITE Pinaniniwalaang nahiya sa kanyang asawa dahil hindi makahanap ng trabaho kaya nag-suicide ang isang 28-anyos na mister sa kanilang bahay sa Barangay Ligtong I, Rosario, Cavite kamakalawa ng gabi. Bandang alas-10 ng gabi nang matagpuan ng kanyang asawang si Loida ang nakabiting biktima na si Garcy Natanio. Pinilit pang isugod sa St. Martin Hospital ang biktima, subalit idineklarang patay na. Nag-iwan ng suicide note ang biktima tungkol sa kahihiyan sa kanyang misis dahil sa walang mahanap na trabaho. (Ulat ni Cristina G. Timbang)