Ang pagkabakante ng nasabing posisyon ay matapos pumanaw si Mayor Heraldo Dacayo, isang araw pagkatapos ng kanyang proklamasyon sa kanyang ikalawang termino bilang alkalde ng bayang nabanggit.
Bago binawian ng buhay ang 72-anyos na mayor noong Mayo 14, 2004 dahil sa sakit ay nakita pa nito ang kanyang kalamangan laban sa tatlo nitong katunggali kabilang na ang kanyang bise alkalde, tinapos din nito ang kanyang proklamasyon kabilang ng mga iba pang panalong lokal na opisyal sa bayang ito.
Ayon kay Human Rights lawyer Ernesto Salun-at, dapat na magkaroon ng ruling ang korte kung ang panalong vice mayor ay legal na makakaupo bilang mayor sa June 30.
Umaasa naman si Vice Mayor Wilson Salas, isa sa mga natalong kandidato sa pagka-mayor na ngayon ay kasalukuyang alkalde na magkakaroon ng special election sa nasabing bayan na posible naman itong mangyari ayon sa DILG. (Ulat ni Victor P. Martin)