Tinutugis naman ang suspek na si Roberto Dolorosa Ayoyong ng Barangay Bato na tumakas matapos isagawa ang krimen dakong alas-7:25 ng gabi sa loob ng naturang detachment.
Base sa ulat na nakarating sa South Cotabato provincial police command, bago pa maganap ang insidente ay nakipagtalo ang suspek sa kanyang kasamahang CAFGU na hindi nabatid ang pangalan tungkol sa kanilang assignments.
Sinabi ni Senior Supt. Romeo Rufino, South Cotabato police chief, nakita ng biktima ang pagtatalo ng dalawa kaya namagitan kaya naman nairita ang senglot na suspek.
Ilang minuto pa lamang ang nakalipas ay umalingawngaw na ang sunud-sunod na putok ng M-14 rifle sa loob ng naturang detachment at duguang bumulagta ang biktima.
May teorya ang pulisya na personal na alitan ang namagitan sa dalawa. (Ulat ni RB)