3 senglot na kabataan nalunod

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Tatlong senglot na kabataang kalalakihan ang kumpirmadong nasawi makaraang mahulog sa balon na magkakasunod habang naglalakad sa Barangay Luklukan Sur, Jose Panganiban, Camarines Norte kamakalawa ng madaling-araw. Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina: Bryan Barrios, 24; Arnold Umerez, 22; at Nepthalie Pesante, 22, pawang mga binata at residente ng Barangay Dalmac, Paracale, Camarines Norte. Napag-alaman sa ulat ng pulisya, unang mahulog sa malalim na balon si Bryan at sumunod ang dalawang kasama. May teorya ang pulisya na walang anumang takip ang balong pag-aari ni Angel Corbito at dahil sa senglot ang mga biktima ay hindi napansin ang sasapiting trahedya. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments