Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, eksaktong recess ng mga bata bandang alas-10 ng umaga nang kumain ng spaghetti sa Western Central School sa Pasukin, Ilocos Norte.
Ilang oras matapos kumain ng spaghetti ang mga biktima ay nakaranas ang mga ito ng matinding pagkahilo, matinding sakit ng ulo, pananakit ng tiyan at pagsusuka.
Mabilis namang isinugod sa Governor Roque Ablan Memorial Hospital sa Laoag City ang mga biktima upang malapatan ng lunas.
Nabatid na ang mga biktima ay naimbitahan lamang sa isang handaan malapit sa kanilang paaralan.
Kasalukuyan na ring ipinasusuri sa mga kinatawan ng Department of Health (DOH) sa lungsod ang mga sample ng nasabing pagkain upang alamin kung ito nga ang nakalason sa mga biktima. (Ulat ni Joy Cantos)