3 holdaper nasakote

CAVITE – Tatlong kalalakihan na pinaniniwalaang kilalang kasapi ng holdap gang ang dinakip ng pulisya sa isinagawang follow-up operations sa Barangay Paliparan, Dasmariñas, Cavite kamakalawa ng gabi.

Kasalukuyang naghihimas ng rehas na bakal ang mga suspek na sina: Gilbert Ramos, Jimmy Belicano at Arnold Policarpio at pawang residente ng Bautista compound Barangay Sampalok 4 ng nasabing bayan. Ayon sa pulisya, ang pagkakadakip sa tatlo ay bunsod nang reklamo ng mga biktima sa himpilan ng pulisya. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

Show comments