Sinabi ni Senior Inspector Bahnarin Kamaong, spokesman ng pulisya sa nasabing lungsod, ang biktimang si Domingo Cubita ay dinukot may dalawang buwan na ang nakalilipas at muling nakasama ng kanyang pamilya sa tulong na rin ng mga lokal na opisyal ng Balabagan, Lanao del Sur.
Sa salaysay ni Cubita sa mga awtoridad, ang grupo ng Pentagon ay naglalayag patungo sa Lanao del Sur mula sa Maguindanao sakay ng pumpboat para iwasan ang tumutugis na tropa ng militar at pulisya nang magdesisyon ang sindikato na itapon na lamang siya sa dagat.
"Wala namang maibigay na P5-milyon ransom ang pamilya ng biktima dahil retiradong pampublikong guro lamang si Domingo," ani ng kaanak ng biktima.
Ayon pa sa ulat, Nagkataon naman may mga Maranaw na mangingisda ang naglalayag din sa nasabing karagatan kaya namataan siyang lulutang-lutang at agad na nailigtas. (Ulat ni John Unson)