6 alkalde, 12 konsehal iprinotesta

BULACAN – Anim na alkalde at labindalawang konsehal na nanalo ang iprinotesta ng kanilang katunggali dahil sa akusasyong nandaya sa nakalipas na halalan. Kabilang sa kinukuwestiyon ang pagkapanalo ay sina: Ricardo Silverio ng San Rafael; Matilde Legaspi ng Norzagaray; James de Jesus ng Calumpit; Serafin dela Cruz ng Bocaue; Reynaldo Castro ng Balagtas at Leonardo de Leon ng Angat. Kinasuhan din ang pitong konsehal ng Angat at lima naman sa San Miguel, Bulacan. Napag-alamang kailangang isampa ang reklamo sa loob ng sampung araw matapos na maiproklamang nanalo ang kandidato. Nabatid sa ulat na naisampa ang reklamo sa sangay ng Comelec sa apat na bayan ng Bulacan noong Mayo 21 at May 24 naman sa bayan ng Balagtas at San Miguel. (Ulat ni Efren Alcantara)

Show comments