2 obrero patay sa duwelo

TAYABAS, Quezon – Kapwa kinalawit ni Kamatayan ang dalawang obrero makaraang magduwelo gamit ang baril at itak sa Barangay Tungko ng bayang ito kamakalawa ng hapon. Unang binawian ng buhay sa Quezon Memorial Hospital si Antonio Riana dahil sa tama ng bala ng baril, samantalang si Pablito Salin, 31, ay nagtamo ng malalim ng sugat sa ulo sanhi ng tama ng itak.

Base sa ulat ng pulisya, nagluluto si Riana sa sariling bahay bandang alas-5 ng hapon nang dumating si Salin. Sa hindi mabatid na dahilan ay nagpaputok ng baril si Salin hanggang sa magpambuno ang dalawa. Agad namang nakakuha ng itak si Riana at tinaga sa ulo si Salin. Kahit may sugat sa ulo ay nagawang barilin ni Salin na tumama kay Riana kaya kapwa duguang bumulagta. Mabilis namang naisugod sa nasabing ospital ang dalawa. (Ulat ni Tony Sandoval)

Show comments