Ayon sa ulat, ang mga holdaper na armado ng malalakas na kalibre ng baril ay palakad na pumasok sa loob ng cashiers office ng Daneco at kinuha ang P326,000 payroll.
Sa pahayag ng Daneco security guard, isa sa holdaper ay nagpakilalang si Kumander Roy, bago pa tumakas patungo sa bahagi ang Sitio Limao malapit sa Barangay Penaplata na kung saan ay may naghihintay na pumpboat.
Sinabi ni P/Chief Supt. Isidro Lapeña, Southern Mindanao regional police commander, masusing sinisilip ang modus-operandi ng mga holdaper kung papaano napasok ang naturang opisina at walang tatakasan dahil napapaligiran ng tubig ang isla.
Nangangalap na rin ng impormasyon ang pulisya mula sa mga residente na makapagtuturo sa mga holdaper na madalas na bumisita sa naturang isla.
Sinisilip din ng pulisya ang anggulong may kasabwat na ilang tiwaling empleyado ng Daneco ang mga holdaper kaya madaling napasok ang naturang opisina. (Ulat ni Edith Regalado)