Ito ang mariing ipinag-utos ni Chief Insp. Jericho Royales, pumalit sa sinibak na provincial jail warden na si retired Supt. Felimon Doria.
Ang pagkakasibak kay Doria ay ipinag-utos ni Atty. Virgilio Solis, provincial administrator habang nagsasagawa ng imbestigasyon.
Ang pagkakadiskubre sa shabu mula sa mga preso ay bunsod ng biglaang raid sa provincial jail ng mga tauhan ng provincial police office, Special Operations Group, Intelligence section ng PNP, kapulisan ng Lingayen, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), at Atty. Geraldine Banigued noong Huwebes ng hapon.
Kabilang sa nakumpiskahan ng droga ay sina: Abelardo Punzal, Larry Lumna, Benjamin Lui at Susan Manahan na pawang may nakabimbing kaso ng droga.
Nasamsam din sa isinagawang biglaang raid sa naturang kulungan ang P33,989.50 at US$45 na pinagbilhan sa shabu habang nakumpiska naman ang blue book na may mga pangalan ng kliyente ni Punzal.
Pinaalis na ang aircon unit sa selda ni Punzal maging ang refrigerator nito ay pinagamit na sa lahat ng preso. Lahat ng cellular phones ng mga preso ay pinakumpiska ni Royales.
Ayon pa sa ulat, ang lahat ng bagong patakaran sa loob ng nasabing kulungan ay pawang pansamantala, habang wala pang naitatalagang bagong provincial jail warden ang gobernador. Ang provincial jail ay nasa ilalim ng pamamahala ng gobernador.
Sa Kasalukuyan ay lalong pinahigpit ang seguridad sa pintuan ng kulungan at nagsasagawa na ng malawakang imbestigasyon sa nagaganap na puslitan ng droga sa loob ng kulungan. (Ulat ni Eva Visperas)