Presinto ng pulisya nilusob ng NPA

CAMP OLIVAS, Pampanga – Muli na naman naghasik ng karahasan ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) makaraang lusubin ang Police Kababayan Center sa San Fernando, Pampanga at tinangay pa ang limang M-16 armalite rifles kamakalawa.

Bandang alas-9:15 ng umaga nang pasukin ng mga rebelde ang nasabing presinto na sakop ng Barangay Bulaon, San Fernando, Pampanga, ayon sa ulat.

Sa ulat ni Police Senior Supt. Rodolfo Mendoza Jr., Pampanga provincial police director, pinadapa ng mga rebelde ang duty police officer na si SPO4 Peter David saka kinuha ang limang malalakas na kalibre ng baril partikular na ang gamit na armas ni David na 9mm. Hindi naman sinaktan si SPO4 David. (Ulat nina Ric Sapnu at Joy Cantos)

Show comments