Hindi na umabot pa ng buhay sa Eastern Pangasinan District Hospital ang biktimang si Conrado Rodrigo dahil sa tinamo nitong maraming tama ng bala ng Cal. 38, Cal. 45 at M16 armalite rifle sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Si Rodrigo na kasalukuyang barangay chairman at presidente ng asosasyon ng mga barangay chairman ng San Nicolas at ama ni incumbent Mayor Christopher Jones Rodrigo ay inupakan ng malapitan matapos na dumalo nang pagpupulong sa San Nicolas Municipal gymnasium dakong alas-9:55 ng umaga.
Agad namang tumakas ang tatlo, subalit sa mabilis na responde ng pulisya ay nadakip naman ang isa na nakilalang si Jonathan de Leon, 26, ng Nueva Era, Ilocos, Norte at ngayon ay sumasailalim sa masusing imbestigasyon ng Pangasinan Provincial Police Office.
Sa ulat ni Chief Inspector Rhode Espero, police chief kay Senior Supt. Mario Sandiego, provincial director, ang dalawa pang killer ay magkahiwalay na tumakas sa hindi nabatid na direksyon.
Pinalalagay na may kaugnayan sa May 10 polls ang pangunahing motibo sa pamamaslang at sinisilip din ang anggulong personal na alitan. (Ulat nina Eva Visperas at Artemio Dumlao)