12 nalason sa kabute

BALANGA CITY, Bataan – Labindalawang sibilyan ang iniulat na nalason at isinugod sa ospital makaraang kumain ng kabute mula sa nabubulok na puno ng saging at ebak ng hayop sa Morong at Abucay sa nasabing lungsod noong Lunes. Kabilang sa mga biktimang ginagamot sa Bataan General Hospital ay ang mag-asawang sina: Jessie, 49 at Gina Hipolito, 40; mga anak na sina: GeriMae, 20; Johanner, 14; Jommer, 7; at Kate Miguel, 15 kapitbahay ng pamilya Hipolito na pawang residente ng Morong, Bataan. Samantalang sa bayan naman ng Abucay ay si Larry Amos, 35; mga anak na sina: Lala, 9; Eva, 6; at Alexis, 4, na pawang naninirahan sa Barangay Capitangan; at ang mag-asawang sina: Christopher, 27 at Janette Valencia, 26, ng Barangay Tuyo. (Ulat ni Jonie C. Capalaran)

Show comments