Ayon sa ulat, ang biktima ay dinukot ng mag-utol at lumilitaw sa imbestigasyon na tinangkang awatin nito ang dalawang nag-aaway na may hawak pang baril. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay pumutok ang baril kaya tinamaan sa tiyan ang biktima. Base sa ulat, iniwan ng mag-utol na kidnaper ang biktima habang nakabulagta dahil sa takot na may rumespondeng mga awtoridad. (Ulat ni Angie dela Cruz)
Konsehal binoga ng kidnaper
CAMP CRAME Kasalukuyang nakikipagbuno kay Kamatayan ang isang 31-anyos na konsehal ng barangay makaraang mabaril ng isa sa mag-utol na kidnaper sa Baguio City, ayon sa ulat kahapon. Inoobserbahan sa Baguio City General Hospital ang biktimang si George Gamboa ng Victoria Village matapos na tamaan ng bala ng baril sa tiyan.