2 dedo sa road mishap

IMUS, Cavite – Dalawang sibilyan ang iniulat na nasawi habang anim pa ang malubhang nasugatan makaraang magsalpukan ang van at dyip sa kahabaan ng Gen. Emilio Aguinaldo Highway na sakop ng Barangay Biga 1, Silang, Cavite kamakalawa. Kabilang sa namatay ay sina: Alex Matilla at Emmanuel Mandal, samantalang ang malubhang nasugatan ay sina: Odelon Delosa, Paul Mark Baluyot, Maricel Ocampo, Audrey San Juan, Romy Luquias at Jose Bautista. Base sa imbestigasyon ni SPO2 Eduardo Eusebio, naitala ang road mishap bandang alas-2:45 ng hapon makaraang magsalpukan ang L300 van (VCT-948) at Dyip (CPB-472) sa kahabaan ng Aguinaldo Highway. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

Show comments