Kawal dedo sa engkuwentro

CAMP AGUINALDO – Muli naman sumiklab ang panibagong sagupaan sa pagitan ng tropa ng militar at rebeldeng New People’s Army (NPA) na ikinasawi ng isang kawal ng Phil. Army at ikinasugat naman ng malubha ng isang kasapi ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) sa naganap na engkuwentro sa Purok New Visayas, Sitio Panulawan, Barangay Malabog, Paquibato District, Davao City, ayon sa ulat kahapon. Nakilala lamang sa apelyidong Pfc. Alfeche ang nasawing sundalo, samantalang hindi naman natukoy ang pagkikilanlan ng CAFGU. Base sa ulat, naitala ang sagupaan ng mga elemento ng Army’s 73rd Infantry Battalion laban sa grupo ni Ka Benjie ng Front Committee 52 ng NPA dakong alas-10 ng gabi. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments