Kinilala ni P/Sr. Supt. Luisito Palmera, Nueva Ecija PNP director, ang biktima na si newly elected vice mayor Joselito "Bong" Cruz y Jamlid, 44, ng partidong Bagong Lakas ng Nueva Ecija (Balane) at isang negosyante ng naturang lugar.
Ayon kay Palmera, hindi na umabot pa ng buhay ang biktima sa Premiere General Hospital sa Cabanatuan City, sanhi ng anim na tama ng bala ng baril sa katawan.
Sa imbestigasyon, nabatid na dakong alas-11 ng gabi, kamakalawa, ang biktima ay nakaupo sa loob ng kanyang bakuran at kausap ang isang lalaki na kapitbahay.
Ilang saglit lang ang lumipas, mula sa madilim na bahagi ng naturang lugar ay biglang lumitaw ang mga suspek at binati pa ang kapapanalong biktima ng, "Magandang gabi po vice."
Biglang pinagbabaril nang malapitan ng dalawang lalaki ang biktima. Agad na tumakas ang dalawang killer sakay ng berdeng van, na may plate number 401 (bineberipika pa ang mga letra).
Ayon kay P/Supt. Rhoderick Armamento, hepe ng PIIB, wala pa silang nai-establisang motibo na may kagagawan sa insidente, ngunit malakas ang paniniwalang may kaugnayan sa politika ang pamamaslang. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)<