P30M pekeng pera nagkalat
COTABATO CITY Tinatayang aabot sa P30 milyong pekeng pera na pinaniniwalaang ginamit ng mga kandidato sa vote buying ang nagkalat sa Lanao del Sur at Lanao del Norte. Kinumpirma naman ng source kay Lt. Gen. Roy Kyamko, Southcom commander, na ang mga pekeng pera ay ipinamudmod noong halalan at kasalukuyang nagsasagawa na ang malawakang pagtugis sa grupo ng sindikato. Napag-alaman sa mapagkakatiwalaang source mula sa Department of Interior and Local Government na nakabase sa Autonomous Region in Muslim Mindanao, unang kumalat ang bultong pekeng pera sa Marawi City hanggang sa umabot sa karatig bayan. (Ulat ni John Unson)