Botante dinedo ng brgy. chairman
IMUS, Cavite Isang 47-anyos na botante ang kumpirmadong napatay ng barangay chairman makaraang pagbabarilin dahil sa pagtangging iboto ng biktima ang kandidato ng huli sa Barangay Mendez, Tagaytay City, Cavite. Tatlong tama ng bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Billy Leones, samantalang dinakip naman ang suspek na si Patricio Emi. Napag-alaman sa imbestigasyon ng pulisya, na pinipilit ang biktima na iboto nito ang kandidato sa pagka-alkalde ng suspek. Tinanggihan naman ng biktima ang pakiusap ng suspek kaya kinalawit siya ni Kamatayan. (Ulat ni Cristina G. Timbang)