ABC president itinumba

CAMP CRAME – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 46-anyos na ABC president ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) habang ang biktima ay nanonood ng search for Miss Gay sa Barangay Tinuyop, Leon Postigo, Zamboanga del Norte kamakalawa. Ang biktimang inupakan sa harap mismo ng sariling misis ay nakilalang si Arthur Baltazar, barangay captain at residente ng Barangay Babag, Monkayo, Compostela Valley. Base sa ulat ng pulisya, bandang alas-11 ng umaga nang lapitan ng mga rebelde ang biktima kasama ang asawa sa naturang lugar. Dinisarmahan ng baril ang biktima saka inupakan ng sunud-sunod na putok sa iba’t ibang bahagi ng katawan. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments